Wednesday, 20 June 2012

Drawing/Drafting 101.



Kaakibat ng pagkuha ng kursong Engineering ay ang mga subjects na tungkol sa drawing o drafting. Plates ang tawag namen sa mga ito. Bilang isang Civil Engr student, dati, isa ito sa mga pinaka enjoyable na pwedeng pagka abalahan. Naalala ko, nung unang taon ko sa kolehiyo, sandamakmak na kagamitan ang siyang dapat kong pag kagastusan. Isa isahin naten:


Technical Pen. Tech pen in short, na hindi lang isa kundi mga lima pa kung pa minsan. Di kasi ordinaryo na ball pen ang gamit naming mga Engr student. Ang mga tech pens na kung tawagin e may mga variations pa, depende sa kapal ng point nito, ranging from sa pinaka manipis na .1 hanggang sa pinaka makapal na .5. Ang favorite kong gamiting kahit sa pagte-take down notes e yung .3 :)
P.S. Ingatan wag mahulog, kundi mawawalan ng tinta!


Paper. Basic need ito sa pagbuo ng isang plate. Kung inaakala nyo na ordinaryong bond paper lang ang gamit namen, aba hindi. Depende sa professor, kung gaano sila kaarte. Since nag aral ako sa dalawang Engr schools, ito yung mga na try ko ng pag-drawingan:


  • Sa TIP Manila, yung malaking size ng sketch pad, hindi ko na alam kung yun yung sepcific na tawag sa papel na yun, kasi may 6 years na since nung last na gamitin ko yun. Pero yun, astig talaga yun, sa lapad nya, kuntodo effort ka sa pag extend ng mga arms para matapos lang yung drawing mo. 
  • Sa UE Manila naman, dun ako mas nasanay gamitin yung mga regular bond paper. At itong mga bond paper na ito, e may mga differences din. Sa size-- merong A4, short at long. Tapos yung GSM ng papel o yung thickness nya, na kung gaano kaganda yung kalidad ng papel. Basta ako, maarte ako, sa higher GSM na paper ako.
  • Tracing paper. Kadalasang pang higher year lang ang paggamit ng tracing paper. Dito tini-trace na yung mga details ng bahay or structure. Mas manipis ito compared sa mga regular na papers na gamit namen. Mas maingat dapat ang pagbubura at page-edit dito. Sadly, di na ako nakapag try gamitin itong papel na ito.


Templates.
Madaming klase ng templates ang gamit ng bawat Engr students. Pero para sa mga Civil students, ito yung mga pinaka common, na nagamit ko na din nung nag-aaral pa ako:



  • Circle Templates. Obviously gamit sya pag yung dino-drawing namen e may mga circles, tulad ng sa bahay, yung mga mas detalyado, sa screw. Madalas kasing tricky ang paggamit ng compass, kung kaya naman makuha sa pag gamit ng circle template, mas simple ang buhay. O di kaya, protractor. Ayan, kanya kanyang diskarte sa pag utilize ng gamit.
  • Oblong Templates. Ellipse Templates. Flow Chart Symbols Templates. Hmm, aalalahanin ko muna kung ano talaga yung tawag dito, pero sa ngayon, eto yung template na ginagamit kapag hindi totally circle yung object. Malamang! Kapag may onting liko. Or minsan kasi, may mga pinapa drawing na elisi or flower type na mga objects, dito papasok ang pag gamit sa template na ito. Or pag may mga diamond objects, rhombus, trapezoid at kung anu-ano pang medyo komplikado i-drawing freely. 


Pencil. Eraser. Ruler. Bago pa pumasok sa eksena ang lahat ng bagay bagay na nabanggit ko, walang mabubuong plate kung wala ang mga pinaka basic na ito. Pagdating sa pencil, anything goesm Mongol man yan, Rotring, mechanical pencils o ano pa. Lalo na sa eraser at ruler. Kadalasang improvise ang ID kapag missing in action ang ruler, kaya higit din na mahalaga ang ID para sa amin.


Ang matinding T-square at Tube/Canister. Hindi ka solid na Engr student kung kahit kelan e hindi ka nagma-angas isukbit sa balikat mo, o bitbitin man lang ang dalawang bagay na ito. Higit saan mang kagamitan, ang mga ito ang nagpatindi ng excitement ko sa pagpasok buong taon. Umulan man o umaraw, asahang kaakibat ko ang mga ito. Rotring at Staedler ang mga tatak na nangunguna pagdating sa mga Engr materials. Syempre dun ako sa Rotring. Ang regular T-square size is 12" tapos sumunod na dun at pinaka mahaba e yung 36". Ang mahabang ruler na ito ang nagsi silbing sandigan mo sa pagpantay ng papel mo at sa lahat ng ido-drawing mo. Malas mo kung ma-mali ka pa sa paggamit nito. Dumihin ito perso tanging alcohol lang ang sagot para matanggal yung mga tinta ng tech pens at pentel pen kung minsan. Ang tube/canister naman e yung lagayan ng mga plates namen, kesehodang tapos yun o hindi syempre. Onting rolyo ng papel, suksok, vuola! Matic ng safe ang gawa mo. Rain or shine! Kadalasan din itong ginagawang pencil case.

Masking tape. Correction paper. Cutter. Pentel pen. Mga additional na lang itong mga ito sa aming mga mahilig mag-drawing. Pampa gaan ng gawain, mga handy tools kumbaga.


Para sa akin, napaka dumi ng mundo ng mga Engr students, pero sa duming ito nahahasa ang mga kakayahan naming para maging pulido in the future. Bawat estudyante ng kursong ito ay may kanya kanyang diskarte. Matira matibay. Hindi lang husay ng kamay ang puhunan, ginagamitan din ng utak. Di man ako nakatapos, buong puso kong minahal ang Engr, at pilit pa rin akong naaaliw sa mga bagay na naituro nito sa akin, philosophically—


“Na ang buhay ay isang malaking sketch pad, may mga bagay, tao o pangyayari na pwedeng tumuwid ng buhay o kaya maka gulo. And at the same time, may mga bagay, tao o pangyayari na pwede ring alalayan ka at abutan ng tulong. Maaari kang sumilong sa canister na syang nanay mo, pamliya o di kaya kaibigan kapag pagod ka na at gusto mong i-tengga muna ang plate. O kaya’y magbura ng mga mali kung kakayanin pa. Pero higit sa lahat, sa kursong ito, natutunan kong magkaroon ng permanenteng desisyon, na ako mismo ang nag-design at naglapat ng tinta. Na syang pwede kong balik-balikan at ngitian ng walang pag aalinlangan.”


Sa buong panahon na nag-aral, nag-stop at nag-aral at nag-stop ako, ngayon lang ako nagkaroon ng mas malalim pang pagtingin sa kurso ko. Ayos!


K.



No comments:

Post a Comment