Hi anak!
Ber month na!!! Dati rati, wala sa aking kung dumating ang mga buwan na ito. Orinaryo lang. Excited lang ako kasi magpa-Pasko na. Pero nung dumating ka sa buhay ko, kaakibat ng excitement ko sa Pasko ang ka-excitement na nararamdaman ko kasi tatanda ka na naman.
At sa taong ito, limang taong gulang ka na sa loob lang ng apat na araw. Tandang tanda ko yung araw na ipinanganak kita.
September 5, 2007. It was a very usual day. Kelangan lang ni Mommy magpa regular check up, pero ayaw na ako paalisin ng doktor non. Takot na takot si Mama noon kasi di pa naman kami handa. We weren't expecting you that early.
Dinala si Mommy sa Delivery Room at around 2PM. Si Mama maraming binibilin that time. Kesyo wag akong matutulog at dapat alert lang ako. I wasn't even looking at her. Pinilit kong itago ang takot at kaba na nararamdaman ko. Pakiramdam ko that time, di ko na makikita pa si Mama.
And then I was on my own. No more Mama beside me. I was 18 then. At that age, normally nasa gimikan lang lahat ng ka-edad ko, or dapat e nagsisipag-aral. Pero hindi ang Mommy. I was in a room struggling against the fear that is within me.
Pagpasok ni Mommy sa room, mataas pa ang sikat ng araw. The first 3 hours went very fine. Nakakapag-CR pa ang Mommy, nakakatulog pa nga ako e. But when 6 o'clock striked, dun ako mas hindi napakali. Habang patagal ng patagal, nararamdaman ko na yung sinasabing "pag-hilab" ng tiyan. Which I never thought would be really painful. Indeed giving birth is excruciating. I couldn't explain how much I wanted for it to be over.
Nabalot ako ng takot na baka hindi ko na masilayan ang bukas. Parang ang haba-haba ng gabi nung araw na yon. Puro mga doktor lang ang nakikita ko. Wala akong ibang mapag-hugutan ng lakas ng loob.
10:25PM. Manila Doctor's Hospital. Finally!!! I was the last to deliver my baby!!! At ang statement ng doktor, "Ikaw ang pinaka-makulit!!!" Haha. I remember complaining about everything. All throughout, I was awake. Hindi talaga ko natulog, from the time na dinala nako sa kabilang room para umire-ire. Hihi.
When I saw you, I can still recall how magical that moment was. Ang kinang-kinang! Feeling ko nababalot ka ng isang magandang magic spell! Yung feeling na binaba ka ng langit, ganun anak, ganun ang sumagi sa isip ko. Na bigay ka ni Lord sa akin :)
It has been 5 long years, at hindi ko lubos maisip na nalagpasan naten yon. At patuloy nating nilalagpasan ang araw-araw. Anak, gusto kong malaman mo na kung uulitin ko man ang buhay ko, nanaiisin kong danasin ulit lahat ng sakit at paghi-hirap para lang sayo.
Walang katumbas na saya ang sa araw-araw gigising akong nakikita ka. At uuwi ako mula sa trabaho na ikaw ang mamamasdan. Binigyan mo ng higit na kahulugan ang buhay ni Mommy.
Gusto ko ring sabihin na sana patawarin mo ako. Sa kabila ng mga bagay na naibibigay ko sa iyo, e may mga short comings din naman ako. Pero kahit kailan, wag mo sanang iisiping, mababawasan ang tindi ng pagmamahal at pag-aalala ko sa iyo. Kahit mag-isa lang si Mommy, hindi ibig sabihin na di na kita kayang buhayin o kumpletuhin man.
Salamat anak, at binuo mo ang esensya ng pagka-babae ko. Asahan mong sa abot ng aking makakaya, hindi man maging perpekto ang lahat ng desisyon ko, lahat ng iyon ay para sa ikabubuti mo.
Mahal na mahal kita anak.
No comments:
Post a Comment