Sunday, 2 September 2012

RH Bill. What's your stand on this?

Nowadays, this has outgrown to be a serious topic in the Philippines. Not that it hasn't been a serious one before, it's just that mas na-hype sya ngayon. Maybe due to social media that inflicts people way of thinking. Yung propaganda mas naging accessible. Whether you are PRO or ANTI.

Personally, years ago, I was like, "nako, wag kang magpi-pills kasi masama yan!" Those were my usual words to a friend who's sexually active. I myself never tried taking such pills. First, I was unaware of the existence of those pills. Yes, the only thing I know way back was the "withdrawal" thing and the usage of "condom". And that I always hear na "cancerous" daw ang mga pills para sa mga babae. That was before. When I was very naive and I what was left of me was my innocence. That I know should have never been a valid justification. 

People might think ironically about it because I have child. They expect you to be well-informed about it, but sadly, I was never. 

So now that it's the heyday for this issue. I have read random articles, heard various insights and I am personally agreeing with this bill to be passed on. 

Bilang isang ina. Okay, bilang isang batang ina sa edad na 23, I feel like there should be enough ways in which youth should be informed on what pre-marital sex beholds. Other than the pleasure which is hindi natin dapat ipagkaila, we, us matured adults should let them know of the consequences of each of their actions. Yung long term na magiging effects nito. At maski naman sa isang mag-asawa. Hindi nga ba't meron tayong tinatawag na "marital rape"? Let us accept the fact that this is happening. It has been going on.

Sabi nga, "Walang maling tanong. Meron lang e baluktot at sinungaling na sagot."

I guess may katotohanan na nakapaloob dito. "Sex" is a taboo topic in the Philippines. We're used to being bragged as very conservative. Ang ating mga "Maria Clara", ang ating pagkamahinhin, ang ating pagka-di makabasag pinggan. 

Natatangi nga naman ang ganitong kaugalian ng Pililipino. Pero sa kabila nito, kadalasan ng mga magulang, nababalot sa takot na sa paglaki ng mga anak nila e, magkamali sila. We avoid discussing adult issues at home. Siguro, may ilang na nararamdaman ang mga magulang. It seems to be inappropriate telling your child about this sensitive one. Syempre nga naman, "paano ko ba ie-explain sa anak ko ang sex sa paraang hindi ito masagwa at malaswa?"

"Curiosity eats the cat." One thing parents are neglecting. Children now have the capacity to think on their own. In the age of the new technology, wala ng di malalaman ang kahit na sino. And later on, it's just so alarming as the rates of abortion, teen pregnancy, mothers dying due to giving birth, etc have been increasing rapidly for the last few years.

We end up blaming ourselves. The way we have raised our children. The society. The media. The government. Even the absurd "nasa lahi kasi natin yan" excuse.

Pero di nga kaya, panahon na para mas lumawak ang ating pag-iisip? Hindi kaya't kailangan na natin munang isantabi ang mga nakasanayan na at subukan-- na baka sakaling sa paraan ng pagpasa sa RH Bill e malutas ang mga kalugmok-lugmok na sitwasyong ito?

Bilang isang babae. Alam kong sa ikabubuti ko ang RH Bill na ito. Hindi ko man alam ang talagang kabuuan ng batas na ito, sa pakiwari ko, karapatan kong alagaan ko aking sarili. Sa kung kailan ko gusto mabuntis. Ilan ang gusto kong maging anak. At sa kung anong contraceptive ako magiging komportable. Para hindi maabala ang aking araw-araw na pamumuhay. 

Lahat may pros and cons. Pero babae, matuto kang bigyang halaga ang iyong sarili. Hindi lamang ang iyong kabiyak o kasintahan ang siyang may karapatan na diktahan ka. Maski ang gobyerno o ang simbahan, hindi mo dapat bigyan ng permisong i-manipulate ka. Hindi kabawasan ng pananalig sa Diyos at paniniwala sa simbahang Katoliko ang pagiging PRO RH Bill. Gaya ng di ka magiging santo o higit na mabuting tao kung ikaw naman ay ANTI RH Bill.

Kung hindi ka naaapektuhan, o maaapektuhan ng issue na ito, maari lamang na bigyan mo kaming mga kababaihan ng kalayaan. Kalayaan na mag-isip at mag-desisyon ukol sa aming katawan. Sa pamamagitan ng batas na susubok na kami'y alagaan, at protektahan.

These are fully my own opinions. Thank you for reading.

Mind to read a more well-structured view of what RH Bill is all about. Kindly visit Senator Pia Cayetano's site: http://www.mydailyrace.com/

No comments:

Post a Comment