Madaming nawi-wirduhan kapag nalalaman nilang hanggang ngayon, tinitignan ko pa rin yung Facebook ng ex ko. Kasabay nito, may pagka-mangha akong nakikita sa mga mata nila pag kinu-kwento ko kung paano ako nakakakuha ng mga impormasyon tungkol sakanya.
"GOOGLE HELPS". Yan yung sinabi ko kanina. Sa malamang na totoong ang babae ay higit na mahusay sa PNP, NBI, FBI, CSI at kung ano-ano pang ahensyang yan patungkol sa pananaliksik. Diskarte at woman's instinct lang ang katapat.
Okay. Bakit ko nga ba sya tinitignan? Well, una sa lahat, hindi ako stalker. Chos ko lang yan. Kadalasan kasi ang hirap mag-bigay eksplenasyon e. Sa bawat linyang sasabihin nun, 10x mo itong hihimay-himayin para lubusang maintindihan ng nakararami.
GUSTO KO LANG. Oo. Gusto ko lang malaman ang mga whereabouts nya. Kumbaga, ahead ako sakanya tungkol sa mga kung anong mga updates ng bawat isa. Wala namang masama dun diba? Besides, erpats sya ng anak ko. At some degree, keri lang kung manaliksik ako patungkol sa kanya.
WALANG KINALAMAN ANG SUSTENTO. Dyosme naman! 5 years old na ang anak ko! Nung manganak ako way back 2007, ni singkong duling wala syang naabot sa akin. Hanggang sa anak ko e unti-unti ng lumaki. Kaagapay nito ang pabigat na pabigat na gastusin. Pero kebs lang! Ang anak ko, breastfeed yan hanggang 3 years old. Super close kami e. Madonna peg all the time. Kung ang karamihan e hirap na hirap na magpa-breastfeed ng junaks, ako naman, super petiks lang. Wala akong eksena ng paghuhuags ng mga bottles o yung maubusan ng gatas at kung anu-ano pang chores/issues related sa gatas. I-insert ko lang ang eksenang minsan e nangutang ako ng pambili ng diaper ng anak ko. Super na-short ako that time, so ang baon ko lang e lakas ng loob at kakapalan na rin ng fez. Well, I have a lot of reliable friends, at nakautang ang lola mo! Sa hinaba-haba ng panahon, ilang beses nakong nagipit sa pera, maski sa lakas ng loob, pero go on girl lang lagi ang aura naten. Ganun talaga e.
HINDI AKO BITTER. HINDI! With exclamation mark talaga yan. Hindi porke't tinitignan ko sya, at wala pa akong you know, "boylaloo", e bitter or masama pa ang loob ko sakanya. Aba teka, palagay ko naman, lisensyado akong magkaron ng sama ng loob hindi ba? Pero yung totoo, hindi naman sama ng loob e. It's more on, masakit lang. While change is a constant thing in this world, memories can never be a part of that change. I just can't pretend na, "Okay, it has been 5 years and counting. Kalimutan na kita. Di ka na nage-exist. Hanap nako ng iba". HINDI PO GANUN YUN. May higit na malalim na dahilan sa bawat pag-tingin na ginagawa ko sakanya.
ALIW. Syempre naman. Kumbaga, pag nakikita ko na puchu-puchu lang naman ang mga rampa ng buhay nya or so-so lang ang mga pinagkaka-abalahan nya, I have this ego na, "Huh! Tignan mo nga tong mokong na to!". Kumbaga, pampalakas ng self-esteem na, "I have died when you left, but despite of that, I have survived all those fucked up times." On the other hand, my kilig factor/daydream ka na rin. Who doesn't want to have a complete family anyway? Hmm? (Ina Magenta peg). Malay mo naman, matauhan, bumalik sa wisyo at maisipang tumino. Tsarlot!
I know I don't owe anyone any explanation of what I truly feel. Nor to defend why I am doing such actions. But I find little tranquility that he's okay. That one day, I might see him again. And by then, I might be allowed to kill him. Chos!
No comments:
Post a Comment