JG,
Tapos na ang isang linggo. Ang isang buong linggong ininda ko ng wala ka. Ang lumipas ang bawat araw na walang narining mula sayo.
Kahit di mo aminin, dama ko ang puwang sa namamagitan at namagitan sa ating dalawa ngayon. Palagay ko, higit na may pagbabago sayo kesa sa akin.
Heto na ang kinakatakot ko. Kinakalabog ako ng utak ko, ang puso ko tuliro, at ang diwa ko ligaw. Di mahanap ang dapat nitong kalagyan.
Iniwan mo ako. Kagaya ng inaasahan, nilisan mo din ako, at pilit mo akong lilimutin.
Akala ko, napaghandaan ko na. Alam mo kasi, nalipas na ng panahon ang mga ganitong pakiramdam e. Nakalimutan ko ng umiyak, ang kumirot ang puso, ang maging sawi.
Tapos na ko dito e. Pero bakit ganon, nauulit. Ako na naman ang iniwan. Ang tinakasan. Ang nilayuan.
Ang sakit! Ganito pala yun. Ulit. Ganito pala ulit mangwestyon. Ang pagdudahan ang sarili mo lalo na nag taong minamahal mo.
Babalik ako sa dating ako. Emotionless.
Binalik mo lahat ng sakit na natapon ko na. You never liked me, higit kailan man, hindi mo ako minahal. Hindi.
Sinira mo ko. You destroyed me. Binabalik mo ko sa dati. Putangina!
Journal entry: November 13, 2011. Sunday.
The not so good concept of keeping diaries-- you get back to concrete memories that will trigger sadness. This was the stage of being bitter to myself. Regretting. It has been a year. Indeed time flies so fast.
No comments:
Post a Comment