Dear JG,
Lately, naaalala kita ng matindi kesa sa mga nakaraang araw. Nag iisip ako ng rason o kaya kahit na anong excuse para maging valid yung pakikipag-usap ko sayo. Kung tutuusin, may almost 3 months na since nung last tayong nagka-text. Yun pa yung pinag-yabang ko sayo yung picture ko kasama si DJ Toni Tony. Yun yung time na nagkaalaman tayong blocked ka na sa Facebook ko. Isang move na ginawa ko para sa sarili ko. Para di kita pakatitigan pa lalo.
Naghiwalay tayo, este nag decide pala tayo na wag na muna mag-usap nung February 9. Mantakin mo, almost 7 months ago na pala yun. Lagpas lagpasan na sa “3 month rule” kung tawagin.
Sa totoo lang, masakit talaga. Yung kung paano natapos yung pagkakaibigan naten. Higit pang nakadagdag na dinelete mo yung mga friends ko sa Facebook mo. Parang feeling ko, “Okay, sadyang ayaw na nya ng any communication between us”. Ang daming mga kuro-kurong nabuo sa akin. Yung naba-blanko ka na kasi sa dami ng tanong mo, di mo alam kung anong uunahin at kung paano tatanungin. Ilang beses kong nahuhuli yung sarili ko na tulala, naglalakbay sa kawalan ang diwa.
Ang daya isipin na yung friendship naten nauwi lang sa ganito. Na parang di tayo naging magkakilala. Bakit ganun? Ano bang nagawa ko para maging ganito yung pakikitungo mo sakin? Alam mo ba na, mas masakit yung mawalan ng kaibigan kesa sa iniibig? Hindi ko alam kung naging mali ba talaga na nain-love ako sayo e.
Madaming bagay ang gusto kong ikuwento sayo. Mapa tungkol sa Plagiarism ni Sen. Sotto. Yung nag suicide kanina sa LRT. Yung birthday ng anak ko next week. Yung issue sa opisina. Yung UAAP— grabeng kulelat ang UE! Si Ian Somerhalder na nanggaling na dito sa Pinas at syang gaganap bilang Christian Grey. Yung pagtatapos ng part time ko. Yung bago kong cellphone na “qwerty” lang, na madaming themes at madaming astig na mga kanta. Yung bagong kong laptop na nagsa-static— na baka pwede mong ayusin. Gusto ko ring ipagmalaki yung mga bago kong libro. Mga movies na ako mismo ang nag download. MADAMI!!! Madaming madami pa!!!
Pero pipilitn ko i-divert yung attention ko. Pipigilan ko yung sarili ko na di intindihan pa masyado yung pangungulila ko sayo, at sa pagkakaibigan naten.
Wala akong kaide-ideya ng kung anong nagaganap sayo. Ganun pa man, sana nasa maayos ka at masaya lang. Ikaw ang nagsabing kahit anong mangyari, wag na wag kong kakalimutang naging mabuti tayong mag kaibigan. Nasan na ngayon yun? Nasan na ang kaibigan ko? Nalimot na ata nya ang kahapon o hinayaaan nyang limutin ang kahapon.
Gaya ng sabi sa Minsan, “Ngunit kung sakaling mapadaan baka ikaw ay aking tawagan… dahil minsan tayo ay naging tunay na magkaibigan…”
PS. Wag kang mag-alala, di ka gagambalain ng isipan at lumbay ko.
No comments:
Post a Comment