Wednesday, 29 August 2012

Tiwala lang sa Musikang Pilipino dre!


Namulat ako sa maagang edad na tuwing Linggo, asahan mong tugtugang Basil Valdez, Noel Cabangon at mga UG na kanta ang mariringgan sa bahay namen.
Yung mga magulang ko, oldies but goodies mga yun lalo na sa taste nila sa musika. No doubt na meron sila yung mga “song hits” at “cassette tapes”. Naalala ko, madalas ko binabasa yung mga song hits tapos may pagka urat akong madadama pag narinig ko na si Mr. Basil sa speaker namen. Pero si Mama, tuwang tuwa sya dun. Makiki sing-along pa nga sya e. Tapos pag yung mga UG (underground) na kanta na yung tutugtog, paguusapan namen yung panahon ng mga desaparesidos. Martial Law. Student activism, etc.
May 10 taon ng nakakaraan yun. Bata pa ko noon, wala pa akong anak at di ko pa naaapreciate ang nilalaman nung mga kantang nariringgan ko noon. Pero ngayong lumipas ang maraming taon, may anak na rin ako, may mga pagkakataong nakakanta ko sakanya yung mga kantang noon ko lang naririnig.
Hindi ako naniniwalang “OPM is dead”. Kalokohan yun! Siguro nga, madaming Pinoy ang naii-sway ng ibang genres ng dayuhang kanta, pero hindi ibig sabihin nun na wala ng sumusuporta pa sa musikang Pinoy. Di naten mapipilit ang iba na ayawan ang ibang kanta, kung trip ba nila yun. Pero bilang panatiko ng musikang Pilipino, masakit isipin na may ibang nagiisip ng di kagandahan sa industriyang ito.
Gusto kong lumaki ang anak ko sa musika ng Eraserheads. Noel Cabangon. Up Dharma Down at ni Gloc 9, at ng iba pang lokal na mang-aawit. Wag sana tayo mawalan ng tiwala sa kung anong meron tayo.
Sana matutunan nating mabalik ang kagiliwan ng nakararami sa musikang Pilipino.

No comments:

Post a Comment