Friday 24 May 2013

"Huling Indak"

Eto naaaaaaa.

Sa oras na mabasa mo ito, wag mo ko itetext, o tawagan, wag mo din ako imessage o ibuzz sa ym, o maski ang hanapin sa fb. Maging ang puntahan ako sa may samen, o sa opisina. Di ako assuming, pina pangunahan lang kita. 

Sa isang buong linggong nag daan, unti unti, pinaramdam mo sakin kung paano ang iwan, ang walang marinig ni ho ni ha mula sayo. Oo nga pala, given, celebration nga pala. Makakalimutin lang minsan. Uulitin ko, sa mga araw na wala ka, matinding pangungulila ang nadama ko. Pakiramdam ko, higit kang malayo sa akin, at di ka na babalik. 

Iniwan mo ako. Ibinalik mo ang sakit na dati ng nawaglit sa akin. Pinaalala mong muli ang pakiramdam na matagal ko ng tinakasan. 

I had the feeling of drifting away from you.

Natapos na ang isang linggo, back to normal na ang lahat. Maliban sa akin, at sa nararamdaman ko. May puwang sa pagitan nating dalawa, at di maikukubli, may nagbago, higit para sa iyo kaysa sa akin. Sa malamang, napagtibay ang inyong relasyon ng nangyaring bakasyon. Maganda yan. Maigi para sa inyong dalawa, yan naman ang nararapat.

Ganito pala yun, ulit. Ang iwanan at baliwalain. Kung sa bagay, sanay naman ako, ano pa bang bago sa sitwasyon na ito. Akala ko handa na ako, na indahin ang bawat oras, araw na lumilipas at lilipas ng wala ka. Dapat kong kayanin, hindi ako pwedeng manghina. Pipilitin ko, itatago ko ang sakit, ang lungkot, aangkinin ko, at yayakapin ang ano mang nakakapag pabagabag na emosyong meron ako ngayon. 

Higit akong nangungulila mula sayo. Sa mga tawanan, seryosong usapan, bwisitan, lalo na ang pagla lambing mo. Hinahanap hanap ka ng diwa ko, pilit kang inaalala ng utak ko, ang huling pag uusap na namagitan saten. 

Namiss kita. Namimiss kita. Walang halong biro. Ni minsan, di ka nawaglit sa isip ko.

Pero ito na siguro yung timing na tinatawag nila, hindi ito positive timing, pero kelangan ko na sigurong bumitaw. Ang ibalik ang nararapat na respeto para sa karelasyon mo. Mas kaya kong umiyak, at masaktan, kaysa sa ang manakit ng iba. Hindi kita sinusuko. Subali't datapwa't ito ang tama. Higit kanino man, ako dapat ang mag isip ng kung ano ba ang dapat gawin. 

Walang madali sa paglayo. Sa pananahimik na gagawin ko. Tahimik akong lalayo, at iiyak. Wala kang bakas na makikita kung gaano kalugmok ang pakiramdam ko sa mga oras na ito. Hinding hindi ako magiging abala para sayo. Kaya ko to!

Mahal kita. Mamahalin kita sa kabila ng mga ngyari. Abangan na lang nateng dumating ang araw na wala ng lahat na to, na babalika na lang naten ang mga panahong ito bilang isang magandang alaala. 

Tayong dalawa lamang ang nakaka alam.

Gustong gusto kita. And if there is one thing I am sorry about, that is I am a year late to fall in love with you. I am sorry.
************************************
Sa di sinasadyang pagkakataon, may nahalungkat na naman ako. Sa dis-oras ng gabi. Yung petsa ng pagkaka-save ko nito sa Facebook e nung November 13, 2011 pa. 

Bigo rin naman akong ipa-abot ito sakanya. At sa kasalukuyan, patuloy pa rin naming gina-gambala ang isa't-isa.


Ngayon na nga lang maga-update ng blog, maka LLP pa. *LasLasPulso* Hay!!! Ang pathetic/praning/kabwiseeeeet/martyr lang. Gaya mo at ng lahat ng tinamaan ng panahon ng pag-ibig. 


Apir!