Wednesday 21 November 2012

Madam-damin.


People say that I'm amazing
I'm strong beyond my years
But they don't see inside of me
I'm hiding all the tears

I drop my sword and cry for just a while
(Look up for His smile)
'Coz deep inside this armor
The warrior is a child 

Gusto ko lang i-share sa mga fans ko tonight ang kantang ito ni Pure Energy Gary Valenciano: "The Warrior Is A Child." Medyo may two weeks na noong huli kong entry eh. So ito, bumabawi lang for the days/weeks na naipon. Kamusta naman mga mars? 

Anyway, napaka-special ng kanta na ito para sakin. Sa totoo lang, pina-pakinggan ko to ngayon gamit yung puchu-puchu phone ko e. Ang lakas kai nitong makapag-paluha. Nagiging "Madam" ako bigla-bigla --Madam-damin! Chos! 

Once in a while, naglilinis ako ng mata. At di lang ito literal na pagpu-punas ng mata mars, o paghi-hilamos, ang main way of cleaning eyes is crying! Yes my friend, it helps! Effortless!

No elaboration of why I'm currently doing it. Kebs nyo ba diba, and syempre, pa-privacy epek! Chos! 

Ang puno't dulo lang nito is-- pagod lang ako. Hindi lang yung literal na pagod sa mag-hapong nagdaan, pero nakakaramdam akong muli ng pagka-hapo sa kung ano man ang pinagdadaanan ko ngayon. Yung pina-plastik mo na maski yung pagiging "strong" mo kasi wala ka ng choice. Kasi nasanay na silang makita kang malakas na parang kahit di naman, weakness yung pag-iyak, kaya sasarilinin mo na lang yung sakit. Ang OA no? Pero ganun mars e. 

Napapagal akong kumapit sa natitirang lakas pa sa akin. Gusto ko sanang kahit sandali, ma "on hold" ko yung buhay ko. Gusto ko lang freely na makahinga. Na maski ang paghinga hindi ako masakal.

Ganun pa man, naniniwala ako na "It's not always a bad day." Everything's going to be okay. Eventually.


P.S. Pag tino-topak din kayo gaya ko, pakinggan nyo tong song ha. Malay nyo, mahimasmasan kayo sa tulong nito. 
P.P.S. Sorry kung ang emo ng peg ng entry ko tonight. Good night and be strong! 

2 comments:

  1. ako tinotopak ako ngayon ng ganyan sayo kat :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. MC-tots! Ngayon ko lang napansin tong comment mo, sorry naman. Nako mars, keri on lang. Alamona yan. Hugs!

      Delete