Thursday 9 August 2012

"Paglipas ng ulan ay mapapangiti ang araw".


NCR. Metro Manila. Marikina. Naungusan na naman naten ang matinding hagupit ng kalikasan. Sampu ng mga nasalantang lungsod. Sa pagsikat ng haring araw, sana dala nito sa bawat kababayan natin ang pag-asa, katatagan ng loob, at bayanihan para makaraos sa mga susunod na araw.
Sana natuto tayong muli na tigilan ang pagtatapon ng basura kung saan-saan. Pagsunod sa mga batas ukol sa kalikasan. Maging alerto. Maging produktibo sa kahit na anong pamamaraan.
Sa lahat ng mga sumuong sa baha para mag rescue at mamigay ng relief goods, abot abot ang paghanga at respeto na na-earn ninyo sa sambayanang Pilipino.
Walang maliit na tulong. Walang hindi kakayanin. Bayanihang Pilipino. Bangon Pilipinas!

No comments:

Post a Comment