Tuesday 19 June 2012

Maligayang Kaarawan Pepe!

Hunyo 19.


Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda. 
Higit na kilala bilang Jose P Rizal. 
Sa tulong ng iyong mga akda, namulat ang aking mga mata, sampu ng mga mamamayang Pilipino sa kung paano nasadlak ang Pilipinas at ang mga mamamayan nito sa kamay ng mga mananakop. Salamat sa malikhaing pagpapahayag ng kagustuhan mong lumaya mula sa pagkaka gapos ang lupang Sinilangan.

Daang taon matapos ang mga ito, sa kapanahunan ng bagong henerasyon, tila ang mga burgis at nakaaangat sa buhay ang siyang nagha haring uri. 

Gayun pa man, ang araw na ito'y aking pinagpupugay para sa iyo. 
Maligayang Kaarawan!

No comments:

Post a Comment