Saturday 13 October 2012

Sambit.

Sa araw na ito muli kong sasariwain
ang kahapong minsang naging atin
akin itong lilingunin, babalikan 
at akin lamang aangkinin ng panandalian

Sa pamamaraang ito, bubuhayin kong muli
anino mong pilit na ikinubli 
na sa pagdaan ng mga taon 
ay pilit kong itinapon

Gaya ng agos ng tubig sa batis
ang aking puso'y walang sawang maghinagpis
iyong itinatwa ating pagi-big
puso't isipa'y nalumbay, pagkat ito'y aking di ibig

Ngunit paano nga ba makakawala 
sa iyong makamandag na alaala
ako'y tumakbo palayo, ninais tumakas
pero tila ako'y sadyang di makaalpas

Patuloy na nalulunod sa luhang tumutulo
lagi kong usal, "Nakaukit ka na sa aking pagkatao"
nais kong ika'y masilayan
maski pa sa buhay na walang kasiguraduhan

Ngunit kung di palaring ito'y makamit
sa kabilang buhay patuloy akong magbabakasakali
Aasang balang araw ika'y mahagkan
sasambiting, "Tangina mo, di na kita babalikan".

No comments:

Post a Comment